PP Underground River puspusan na sa online voting

SIYAM na araw na lang ang nalalabi bago ianunsyo ang tatanghaling New 7 Wonders of Nature at puspusan na ang botohan para sa 28 finalists.

Bukod sa online voting, mayroon ding text votes at pagboto sa pamamagitan ng international calls.

Ang pambato ng Pilipinas na Puerto Princesa Underground River sa Palawan ay bumagsak ngayong araw sa online voting makaraang humataw sa nakalipas na dalawang araw.

Lalo namang tumaas ang online votes ng Grand Canyon ng Amerika, Great Barrier Reef ng Australia, Maldives, Iguazu Falls ng Argentina at Brazil, Dead Sea, Amazon sa South America at 10 pang finalists.

Kasama naman ng Pilipinas sa mga humina sa online votes ngayong araw ang Halong Bay ng Vietnam, Jeju Island ng South Korea, Black Forest ng Germany, ang mga pambato ng Canada, Puerto Rico, Ireland, Italy, Bangladesh at Australia.

Batay sa online voting map sa website ng New 7 Wonders of Nature, matumal ang botong pumapasok mula sa Pilipinas, ngunit marami ang bomoboto sa Puerto Princesa Underground River mula sa Vietnam, United Arab Emirates, Indonesia, South Korea, Belize at Benin.

Ang New 7 Wonders of Nature ay iaanunsyo sa darating na November 11, 2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply