PRC, PH embassy magsasagawa ng licensure exams sa Saudi Arabia

PANGANGASIWAAN ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia at Pofessional Regulations Commission ang magkakasunod na special licensure exams sa Riyadh at Jeddah sa Disyembre.

Ayon sa embahada, ang Special Professional Licensure Board Examinations (SPLBE) ay magaganap sa Disyembre 9 hanggang 11.

“Filipinos in Saudi Arabia and Yemen who are qualified and have all the requirements listed in the attached announcement of the Philippine Regulation Commission are encouraged to take the SPLBE,” ayon sa embahada.

Ang isasagawang licensure exams ay para sa Architects, Certified Public Accountants (CPA),  Civil Engineers (CE),  Electronics Engineers (EE), Mechanical Engineers (ME), Registered Electrical Engineers (REE) at Registered Master Electricians (RME).

Ang mga OFW na aplikante sa Kingdom of Saudi Arabia ay pinayuhan na makipag-ugnayan sa Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) ng Philippine Embassy sa Riyadh at Philippine Consulate General sa Jeddah.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply