Precious Lara Quigaman kayod to death para sa papang si Marco Alcaraz

WE are very much aware, kung gaano kabongga ang lifestlye ng hunk actor na si Marco Alcaraz noong time na hina-handle pa ni Arnold Vegafria ang kanyang career. Well, kayo na ang bahalang humusga kung bakit buhay hari si Marco sa ng kanyang manager.

Basta kung ano man ito ay natapos na ang kabanatang ito sa buhay ng sexy actor dahil umayaw na nga sa kanya si Arnold. And since then tuwing tinatanong namin ang nasabing talent manager/businessman about Marco ay laging no comment na lang ang sinasagot nito sa amin. Meaning wala na talagang paki pa ito sa dating alagang actor na nabaliw sa beauty ni Precious Lara Quigaman.

Well, okey naman daw ang relasyon ng dalawa lalo pa’t ang laging description ni Lara sa actor ay very yummy ito.
Sa katunayan, todo-kayod nga ngayon itong si Precious para kumita lang nang salapi.

Para kay Papa Marco ba ito?

At dahil hindi naman siya exlusive sa ABS-CBN ay nakararaket siya sa ibang networks. Sa katunayan, aapir si Lara sa isang episode ng Regal Shocker sa TV5. Nakalabas na rin ang dating Miss International sa UIBC 13 at NBN 4. Kailan naman kaya ito maggi-guest sa UNTV? Ha’y naku! Mukhang ito ang istasyon na tatanggihan niya dahil wala nang nanonood dito no?

Tinuod (totoo) gyud!

***

Jensen Kyra Tenoso nag-number one sa voting sa Protege

WINNER na winner ang ipinakitang performance ni Jensen Kyra Tenoso sa Elimination Nights ng Protege na ginanap sa Center Stage ng MOA nitong Sunday lang.

Kinanta ni Jensen nang gabing ‘yun ang napiling song ni mentor Jaya para sa kanya na You and I ni Lady Gaga na binigyan naman ng most promosing protege na ito ni Ms. Claire dela Fuente ng kahanga-hangang version with maching back-up dancers pa. Kaya naman nang hingan na ng kanyang judgment si Louie Ocampo, talagang nagustuhan nito ang kabuuhan ng performance ni Jensen.

Yes, agree kami sa positive comment na ‘yan ni Sir Louie dahil talagang kinabog ng alagang ito ni Ms. Claire ang mga co-finalist na ‘yung iba ay out of key sa kanilang song numbers. Maging ang isa sa huradong si Direk Bert de Leon ay sobrang na-impressed din hindi lang sa talent ni Jensen kundi sa kagandahan rin nito.

Sa rami ng mga supporters nito na hindi lang galing sa Batangas kundi sa iba’t ibang parte ng Pilipinas nag-number one sa voting si Jensen. Nakatulong rin dito ang mga fans ng manager na si Ms. Claire na bomoto rin sa kanya.

Sa mga gusto pang bomoto kay Jensen sa pamamagitan nang text, sundin lamang ang format na ito: To vote, just type Protege (space) JENSEN send to 367 for Smart and Talk ‘N Text and for Globe/TM/Sun subscribers send it to 2344 and 2.50 per text. Puwede kayong bomoto ng ilang beses, wala itong limit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply