Prelim investigation vs Mara Bautista sisimulan na

SISIMULAN na ngayong araw na  ang preliminary investigation ng murder at frustrated murder cases laban kay Maria Ramona Bautista kaugnay sa pagpaslang sa kapatid niyang si Ramgen Bautista.

Ayon sa mga awtoridad, ang mangyayari ay hearing in absentia at ibabase na lamang sa mga ebidensya ang gagawing pagdinig sa isinampang kaso kay Mara.

Si Assistant City Prosecutor Leah Roma ang humahawak sa imbestigasyon ng naturang kaso.

Bibigyan ng 15 araw si Ramona o ang abogado nito para dumalo sa preliminary investigation o ang kaso ay isasampa sa korte base na rin sa uncontroverted evidence.

Magugunitang si Ramona ay lumipad pa Hongkong noong isang linggo matapos bawiin ang naunang pahayag na dinukot siya ng mga bumaril sa kapatid na si Ramgen. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply