Prelim investigation vs Ramona sa Nob. 25 na

ITINAKDA ng Parañaque Prosecutors Office sa Nobyembre 25 ang paunang imbestigasyon sa kasong murder na kinasasangkutan ni Ramona Bautista kaugnay ng pagpatay sa kanyang kapatid na si Ram Revilla.

Tulad ng inaasahan, hindi nakasipot sa preliminary investigation si Ramona na nasa ibang bansa kaya ang kanyang kapatid na si Ragene ang nagsumite sa piskalya ng counter-affidavit ng naturang akusado.

Mapipilitan ang piskalya na desisyunan at isampa sa korte ang kaso laban kay Ramona sakaling muli nitong hindi siputin ang preliminary investigation.

Isinumite rin ng Parañaque Police sa piskalya ang larawan ng isa pang suspek sa Ram Revilla murder case na si Ryan Pastera, alyas “Bryan.”

Si Pastera ang umano’y nag-abot ng pera sa mga hired killer na pumatay kay Ram.

Samantala, isang maimpluwensyang tao ang posibleng idawit ng magkasintahang Norwin dela Cruz at Glaiza Visda sa pagpatay kay Ram.

Kinukumpleto nina Dela Cruz at Visda ang kanilang testimonya at hihilingin din ng mga ito sa Department of Justice (DOJ) na maging state witness sa Ram Revilla murder case. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply