Preliminary investigation sa kaso ni Ramgen aarangkada na

SISIMULAN na ngayong araw ang paunang imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Ramgen Revilla at sa tangkang pagpatay sa girlfriend nitong si Janelle Manahan.

Malalaman din mula sa korte kung hahabulin at ipapaaresto si Ramona Bautista, ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa sarili nitong kapatid na si Ramgen.

Samantala, balak namang kasuhan ng perjury ng Las Piñas Police si Ramona matapos nitong baguhin ang naunang salaysay na dinukot siya ng mga pumatay sa kanyang kapatid.

Nakatakda namang ilabas ngayong araw ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Medico-Legal report sa bangkay ni Ramgen.

Samantala stable na ang lagay ni Janelle Manahan matapos sumailalim sa ikalawang maselang operasyon sa kanyang mukha kahapon (Nobyembre 7).

Si Janelle ay nakaroon ng apat na facial fructure dahil sa tama ng bala sa ilalim ng kanyang kaliwang mata na tumagos sa leeg at napuruhan ang magkabilang pisngi, ilong at panga.

Nagpapahinga ngayon si Janelle sa kanyang kuwarto sa Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa matapos ang 12-oras na operasyon sa kanyang mukha.

Inaasahang tatagal ng pito hanggang 10 araw sa ospital si Janelle at umaasa naman ang pamilya Manahan na kasabay ng pisikal at emosyonal na pagpapagaling ay ang tuluyang pagkamit ng hustisya para kay Janelle at kay Ramgen Revilla. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply