Preliminary investigation sa Ramgen slay case muling naantala

MULING naantala ang nakatakdang preliminary investigation sa kasong murder at frustrated murder na isinampa ng pulisya laban kay Ma. Ramona Belen Bautista kaugnay sa pagpaslang sa nakatatanda niyang kapatid na si Ramgen sa Parañaque City Prosecutors Office kanina.

Ito’y makaraang hindi sumipot ang abogado ni Ramona na si Atty. Dennis Manzanal at sa halip, ang kapatid nitong si Ragene ang nagtungo sa tanggapan ni Assistant City Prosecutor Leah Roma at nagtangkang magsumite ng counter affidavit ni Ramona.

Hindi naman tinanggap ng taga-usig ang isinumiteng affidavit ni Ramona at sa halip ay itinakdang muli ang preliminary investigation sa Nobyembre 25.

Kahapon ay nagsumite rin ng karagdagang impormasyon ang pangunahing testigo na si Ruel Puzon na kumikilala na sa tunay na katauhan ng isang alyas Bryan na umano’y kaibigan ni Ramon Joseph “RJ” Bautista na isa sa itinuturong utak sa krimen.

Si Bryan umano ang nagbigay ng halagang P19,000 sa umano’y hired killer na si Michael Nartea upang patayin si Ramgen at siya rin kumontak sa magkasintahang Glaiza Visda at Norwin Dela Cruz upang maghanap ng hired killer na papatay sa biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply