Preliminary investigation sa Ramgen slay case tuloy mamaya

ITUTULOY na mamayang alas-2:00 ng hapon ang preliminary investigation sa dalawang suspek sa Ramgen Revilla slay case.

Matatandaang hindi natuloy ang mga abogado ng dalawang suspek na sina Michael Altea at Roy Francis Tolisora para makadalo sa itinakdang imbestigasyon kahapon (Nobyembre 8).

Samantala, itinakda naman sa Nobyembre 16 ang pagbasa ng sakdal kay Ramon Joseph Bautista na may kasong murder at frustrated murder.

Ang naturang kaso ay hahawakan ni Judge Fortunito Madrona sa Parañaque RTC Branch 274.

Ang pag raffle sa kaso laban kay Ramon Joseph ay kasabay nang isinagawang preliminary investigation sa naturang kaso. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply