Preso nang-hostage ng 2 kakosa sa Pampanga

ISANG convicted prisoner na nangungulila sa hindi pagdalaw ng kanyang mahal sa buhay ang nang-hostage ng dalawang kapwa niya preso kaninang umaga sa Pampanga.

Sinabi ni Pampanga police chief Senior Superintendent Edgardo Tinio, na gumamit ang hindi pinangalanang preso ng isang kutsilyo na hindi pa malaman kung saan nakuha para i-hostage ang kanyang kapwa preso.

“Hindi lang dinadalaw ng pamilya kaya siguro bumigay, na-disturb,” pahayag ni Tinio sa isang kapanayam.

Nangako naman ang naturang preso na pakawawalan niya ang kanyang dalawang hostage kapag dumating na ang kanyang asawa at mga anak.

Ikinasa naman agad ni Tinio ang pagkontak sa mga pamilya ng naturang preso para madalaw ito sa kulungan.

Inaasahang dumating ang mag-iina ng preso mula sa Pangasinan ngayon ding araw.

“We have his assurance su-surrender siya peacefully,” wika ni Tinio.

Samantala, ani Tinio, nagpakalat na siya ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team sa paligid na naturang kulungan para sa kaukulang disposisyon.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na ang hostage-taker ay mayroon “sumpong.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply