Price guide list sa Noche Buena item ipapaskil ng DTI

IPAPASKIL na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga groceries ang price guide list para sa Noche Buena items.

Ayon kay DTI Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection Director Victorio Mario Dimagiba, kanila ng pina-finalize ang content ng posters para sa guide list ng mga food item para sa Noche Buena at inaasahang ipapaskil sa susunod na linggo sa mga supermarkets at grocery stores.

Kampante naman ang DTI na magiging stable ang presyo ng noche nuena food item hanggang sa katapusan ng 2011.

Kasabay nito, nagbabala ang DTI na naka-monitor sila sa presyuhan ng mga noche buena item at hinikayat ang publiko na magsumbong sa kanilang hotline sa numerong 751-3330 sa mga mananamantalang negosyante. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply