Price list ng mga pang-Noche Buena ilalabas sa susunod na linggo

MAGLALABAS ang Department of Trade and Industry ng listahan ng presyo ng mga produktong pang-Noche Buena sa susunod na linggo.

Ayon kay Vistorio Mario Dimagiba, director ng Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection ng DTI, inaayos pa ng ahensya ang magiging laman ng nasabing listahan (poster) na kanilang ilalabas.

“Pina-finalize namin ang aming ilalathala… Pag na-approve ang final text, by next week makikita sa supermarkets and grocery stores,” ayon kay Dimagiba.

Sa ngayon aniya, nakatanggap ng katiyakan ang DTI mula sa stakeholders na ang presyo ng mga blihin para sa Noche Buena ay stable hanggang matapos ang taon.

Isang hamon umano para sa DTI ang pag-monitor sa mga presyo ng mga produkto sa supermarket at grocery stores.

Dagdag pa ng opisyal na magiging istrikto sila sa mga supermarket at tiniyak na hindi sila magbebenta ng expired items.

“The grocery stores are strict. Items with ‘Best before’ tags are pulled off the shelves two days before the date indicated,” ayon pa kay Dimagiba.

Maaari naman aniyang ireport ng mga consumers ang labis na pagpatong ng presyo sa DTI hotline (7513330) na bukas simula Lunes hanggag Linggo.

Kailangan din umanong kasama ang pangalan ng grocery o supermarket kapag nagreklamo sa oras na lumabag ang mga ito sa guide prices na ilalabas ng DTI.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply