Problemadong buntis nagbaril sa sarili

NAGBARIL sa sarili ang isang ginang na dalawang buwang buntis sa La Union kaninang umaga (Nobyembre 7).

Nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre .38 sa dibdib at namatay noon din ang biktimang si Jane Laduan, 25-anyos, tubong bayan ng Sagada, Mountain province at residente ng Barangay Cardiz, bayan ng Bagulin, La Union.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natuklasan ang krimen kaninang 7:30 ng umaga sa loob ng inuupahang bahay nito sa nasabing barangay pero hinihinalang nangyari ang pagpapatiwakal sa pagitan ng alas-11 ng gabi (kamakalawa) at ala-una ng madaling araw.

Ayon sa mga kapitbahay, bago ang insidente ay nakarinig sila ng isang putok ng baril pero dahil alanganing oras ay hindi na lang nila ito pinansin pa.

Nang mag-umaga na, nabulaga naman ang kamag-anak ng biktima nang madatnan nilang wala na itong buhay at nakahandusay sa sahig.

Ayon sa mga kamag-anak, hinihinala nilang suliranin sa pamilya ang nagtulak sa biktima para barilin ang sarili.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply