Prof. kakasuhan matapos manghipo ng estudyante

SASAMPAHAN ng kasong “sexual harassment” sa Manila Prosecutors Office (MPO), ang isang professor sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), matapos na ireklamo sa Manila Police District-Women’s and Children Concern Division sa Sta. Mesa, Maynila ng isang estudyante.

Batay sa pahayag ng biktimang si Zyrelle, 18, 3rd year college sa nabanggit na paaralan at taga-100-F Howard St. Cubao, Quezon City, dakong alas-6:00 ng gabi nitong Nobyembre 12 nang maganap ang pangha-harass ng kanyang guro sa kanya, sa ika-anim na palapag ng PUP Main Building na matatagpuan sa Anonas St. Sta. Mesa, ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay PO3 Thelma Samudio ng WCCD, kinilala naman ang suspek na si Prof. Joseph Aranas, 40, taga-Makati City at guro ng biktima sa General Statistic.

Base sa imbestigasyon, bumagsak umano ang biktima sa klase ni Aranas, at inoobliga umano ng professor ang biktima na bumili ng aklat bilang proyekto nito.

Sinabihan din umano ng suspek ang biktima na kapag kailangan siyang kausapin ng estudyante at dapat silang dalawa lamang ang mag-usap.

Sa kagustuhan namang makapasa ng biktima ay nagpaiwan ito para kausapin ng masinsinan ang guro ngunit hindi nito inaaasahan na iba ang mangyayari kung saan hinipuan umano siya sa ari at dibdib.

Sa takot, kaagad na nagsumbong ang biktima sa kanyang pamilya na siyang sumama sa kanya sa presinto para ireklamo si Aranas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply