Prof patay sa naka-motorsiklong killer

NILIKIDA at napatay ang isang colleger professor ng isang hindi nakilalang suspek sakay ng isang motorsiklo sa Leyte.

Base sa imbestigasyon ni SPO2 Francisco Corbes ng Abuyog PNP, dead on arrival ang biktimang si Elizar De Paz Tesado, professor ng Abuyog Community College, na may tama ng bala sa kaliwang bahagi ng pisngi nito.

Nakuha pa sa mismong crime scene ang 8 pirasong bala ng calibre .45.

Naniniwala si Corbes na ang tama sa pisngi ng biktima ang siyang naging sanhi na mabilis niyang pagkamatay.

Samantala, hanggang sa mga sandaling ito ay wala pa ring nakukuhang lead ang pulisya hinggil sa motibo sa pagpaslang sa biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply