Promosyon kapalit ng pagpapagamit ng AFP sa mga politiko – Sumayo

INAMIN ni Colonel Pedro Sumayo na promosyon ang dahilan kung bakit marami sa mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napapayag na magamit ang institusyon sa partisan politics at pag-wiretap sa mga naglalabang pulitiko.

Ito ang naging pahayag ni Sumayo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee matapos tanungin ni Senador Gregorio Honasan kung bakit nagpapagamit ang ISAFP sa ganitong operasyon.

Ipinaalala ni Honasan, ang AFP dapat ay laging nasa gitna lamang ng mamamayan at pulitiko.

Kinastigo rin ni Honasan si Sumayo dahil wala raw itong ginawa at hinayaan lamang ang kanyang mga tauhan sa maling gawain ng wire tapping sa mga pulitiko at mga opisyal ng pamahalaan.

Samantala hindi naman binigo ni dating Senador Juan Miguel Zubiri ang Senado matapos na imbitahan ito para sa pagharap sa pagdinig sa dayaan noong 2004-2007.

Binigyang diin ni Zubiri na kailanman ay hindi siya nandaya sa eleksyon at ang sinasabi ng ilan ay pawang paninira lamang sa kanya.

Una rito, ibinunyag ng isa naging resource person sa pagdinig ng Senado ang sinasabing pag-uusap nina Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at isang gobernador upang dayain ang 2007 election.

Sinabi ni Akhmad Mamucao, ang dating consultant ni dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., na kasama siya sa pulong sa Malakanyang.

Aniya, narinig nito ang pahayag ng dating pangulo na gawing 12-0 ang resulta ng halalan sa Maguindanao pabor sa senatorial canditates na kapartido ni CGMA.

Idiniin din ni Mamucao si Bong Serrano na hindi kasama sa kinasuhan ng election sabotage na umano’y nagplano at nagmanipula sa mga balota.

Dagdag pa nito, nagkita pa sila ni Serrano sa Cotabato City nang kanyang tinawagan at nagdala ng balota sa bahay ni Engr. Nori Unas at doon diniskarga ang maraming boxes at balota.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply