Proteksiyon ng consumer vs delikadong paputok palalakasin

INIHAYAG ni Sen. Manny Villar na kailangang may mahigpit na pangangailangan ngayon upang mapaunlad ang batas na magbibigay ng proteksiyon sa mga consumer laban sa panganib ng paputok at iba pang pyrotechnics tulad ng sunod, pagkasugat at pagkamatay sa panahon ng Kapaskuhan.

“Alam naman natin kapag Bagong Taon, maraming nasasaktan, maraming sunog dahil sa mga paputok. Kailangan talagang maglabas ng matinding regulasyon at matinding implementasyon ng ating batas,” ayon kay Villar sa ginanap na pagdinig ng Committee on Trade and Commerce, na kanyang pinamumunuan.

“Sana itong Pasko na ito ay masimulan na natin nang sa ganoon ay maraming buhay ang maligtas sa darating na Bagong Taon,” dagdag ng senador.

Sa ginanap na pagdinig, sinabi ni C/Supt. Carlitos Romero, Director for Plans & Standards ng Bureau of Fire Protection, na noong 2010, umabot sa 50 sunog ang naganap sanhi ng paputok at iba pang uri ng pyrothecnics at tumaas ito ng 13.6% sa taong ito.

Sinabi ni Villar na dapat makita nang malinaw ang safety instruction sa paggamit ng paputok sa lahat ng pabalat ng produkto kabilang kung gaano kalayo dapat ang isang tao bago sindihan ang anumang uri ng pyrotechnics materials.

Sinabi naman ni Mario Gaudiano, ng Bureau of Products and Standards ng  Department of Trade and Industry na binabaha ngayon ang bansa ng mga puslit na paputok na isang paglabag sa Republic Act 7183, o ang Act regulating the sale, manufacture, distribution and use of firecrackers and other pyrotechnic devices.

Ayon kay Villar, dapat higpitan ang monitoring sa ganitong bagay upang masugpo ang pagpasok ng smuggled firecrackers na hindi dumadaan sa pagsusuri ng dTI.

Inihain ni Villar ang Senate Resolution No. 644 na inaatasan ang Senado na magsagawa ang kaukulang pag-aaral hinggil sa pangangalakal, exhibition, at promosyon ng Philippine made fireworksa at iba pang pyrotechnic materials.

Tinukoy pa ni Villar ang datos ng Department of Health na nagpapakita na tumaas ng pitong porsiyento ang bilang ng nasugatan sa paputok noong 2010 kumpara noong 2009.

Layunin din ng resolusyon na makita ang mekanismo kung paano mapapaunlad ang competitiveness ng produkto na may pananaw na mapalakas pa ang proteksiyon ng consumer upang matiyak ang kaligtasan at kalidad ng produkto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply