Public enemy no. 1

SA ‘di masawa-sawatang kaliwa’t kanang patayan na ang may kagagawan ay mga ‘riding in tandem’, dapat  mabahala ang kapulisan.

Ilang beses na natin itong pinag-usapan sa Chokepoint at paulit-ulit natin itong magiging topic magising lang ang awtoridad.

Sinasabi natin ito dahil, pakiwari ba natin eh, tila tuod ang kinauukulan para makagawa ng kaparaanan laban sa problemang ito.

‘Di tayo magsasawang kulitin ang mga pinuno ng gobyerno at awtoridad para kumilos laban sa ‘riding in tandem’ killers.

Walang araw na lilipas na walang bumubulagtang ‘Juan dela Cruz’ dahil sa pag-atake ng mga killer, gamit ang motorsiklo.

Ang motorsiklo na ang ginagawang pamamaraan, ‘tool’ o gamit  ng mga halang ang kaluluwa sa kanilang paghahasik ng lagim.

Bilang PNP chief, dapat ay prayoridad ni Director General Nick Bartolome ang paglaban sa ‘riding in tandem’ executioners.

Ang lumalalang street murders ay nakaaapekto sa imahe ng Pinas, yan ang da-pat itanim sa kukote ng mga pinuno ng bansa.

Sa nakikita natin, ang mga ‘riding in tandem’ killer ay wala nang takot kaya naman kung bumirada ay lantaran.

Sa sobrang pagmamalabis sa batas, dapat na sigurong ituring ang mga ‘riding in tandem’ slayer na public enemy no. 1.

Kaya ‘di natatakot ang mga ogag na ito ay dahil wala silang nakikitang pagkilos ng  gobyerno at pambansang kapulisan.

Pakiwari ko, walang ginagawang kaparaanan ang kasalukuyang liderato ng mga awtoridad para supilin ang problemang ito.

Noong araw, ‘di puwede ang siga sa lansangan tulad ng ginagawa ng mga ‘riding in tandem’.
Sila’y siguradong may kalalagyan.

Noong panahon ni Gen. Alfred ‘Fred’ Lim sa kapulisan, ‘di maaring maghari ang kriminal.
Bakit?  Kasi sila’y ‘di sasantuhin.

Ang katulad ng pamamahala noon ng ngayo’y Manila Mayor Fred Lim ang hinahanap nating humawak sa PNP.

Kailangan siguro natin ang kamay na bakal para matakot ang mga kriminal, katulad ng ginagawa ng mga ‘riding in tandem.’ Sa kalsada rin dapat sila pupulutin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply