Publiko binalaan sa depektibong Christmas lights

BINALAAN ngayong umaga (Nobyembre 15) ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang publiko na tiyaking dumaan sa safety standards ang gagamiting Christmas lights sa kanilang kabahayan.

“Minsan substandard ang lighting, nag-o-overheat yan at diyan karaniwang nagsisimula ang sunog,” pahayag ni BFP Metro Manila head Chief Superintendent Santiago Laguna.

Sa isa pang halimbawa, ang pagsasaksak umano ng ilaw sa “octopus” o multiple connections ay maaari ring mauwi sa pag-o-overheat.

Dahil dito, iminungkahi ni Laguna sa mga homeowners na humingi ng tulong sa lisensyadong electrician para ikasa ang Christmas lights, o kahit man lang alamin ang kapasidad nito at ang electrical outlets.

Pinaaalang muli ni Laguna ang suhestyon ng Department of Trade and Industry (DTI) na tingnan kung may selyado ng Import Commodity Clearance ang kanilang bibilhang Christmas lights.

Sa kabilang dakong, pinayuhan din ni Laguna ang mga residente laban naman sa pag-iiwan ng Christmas lights sa magdamag upang maiwasan ang hindi inaasahang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply