Publiko pinag-iingat sa pagkain ng shellfish

PINAYUHAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na mag-ingat sa pagkain ng shellfish dahil sa red tide.

Nabatid na ang babala ay ginawa ng DOH matapos magpatupad ng shellfish ban ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilang bayan ng Bataan.

Batay sa Shellfish Bulletin No. 25 ng BFAR na ipinadala sa tanggapan ng DOH, kabilang sa mga lugar sa Bataan na positibo na rin sa red tide toxin ay ang coastal waters ng Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay  at Samal.

Nakasaad rin sa shellfish bulletin ang pagbabawal sa paghuli, pagbebenta at pagkain ng mga shellfish na nakukuha sa mga naturang lugar.

Maging ang alamang o shrimp paste na makakalap mula sa naturang lugar ay hindi rin umano ligtas kainin.

Nilinaw naman ng BFAR na ang iba pang lamang-dagat na kinabibilangan ng isda, pusit at alimango ay ligtas kainin ngunit kinakailangang sariwa ito, nahugasang mabuti at malinis ang pagkakaluto.

Nananatili pa rin ang shellfish ban sa Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur, Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte, Masinloc Bay sa Zambales, at Matarinao Bay sa Eastern Samar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply