Publiko pinag-iingat sa shellfish, alamang

NAGBABALA sa publiko ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Northern Mindanao  na huwag manguha, kumain, bumili o magbenta ng anumang uri ng shellfish at shrimp paste na galing sa Murcielagos Bay na matatagpuan sa Zamboanga del Norte.

Ayon kay Visa Tan-Dimerin, regional director ng BFAR, inilabas nila ang babala matapos ang pinakahuling resulta ng laboratory sa mga shellfish at  shrimp paste na mas kilala sa tawag na “alamang,” “uyap,” “uyabang,” na nakukuha sa mga lugar na natagpuang positibo sa paralytic shellfish poison.

Tatlo pang mga lugar ang natagpuang positibo sa red tide na kinabibilangan ng Dumanguillas Bay sa Zamboanga del Sur, Matarinao Bay sa Eastern Samar at Masinloc Bay sa Zambales.

Taliwas naman sa mga tinurang species, sinabi ng director  na ang mga isda, hipon at alimasag ay ligtas namang kainin kung ang mga ito ay sariwa at nahugasang mabuti bago iluto.

Nagpalabas naman ang BFAR ng listahan ng mga karagatan na ligtas sa red tide at ang mga shellfish dito ay ligtas na kainin. Ito ay ang mga sumusunod: Taguines Lagoon sa Camiguin; Hinatuan, Lianga at Bislig Bays sa Surigao del Sur; at Balite Bay sa Mati, Davao Oriental sa Mindanao; Irong-irong, Maqueda sa Villareal Bays sa Samar; Ormoc, San Pedro, Cancabato at Carigara Bays sa Leyte; Biliran Waters sa Biliran Province; Pilar, President Roxas, Pontevedra, Panay, Roxas City, Ivisan at Sapian in Capiz; at E.B. Magalona, Pontevedra, Pulupandan, Villadolid, Talisay City, Bacolod City, Hinigaran, Cadiz City, Victorias City, Bago City at San Enrique sa Negros Occidental,lahat sa Visayas; at Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Bulacan at  Bataansa Manila Bay; Alaminos, Anda, Bani and Bolinao in Pangasinan; Milagros at Mandaon Bays sa Masbate; Juag Lagoon sa Matnog at Sorosogon Bay sa Sorsogon; Honda and Puerto Bays sa Puerto Princesa City; at Inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply