PPUR pasok sa New 7 Wonders of Nature

NAKAPASOK ang Puerto Princesa Underground River ng Palawan sa New Seven Wonders of Nature batay sa inilabas na provisional result sa website na www.new7wonders.com.

Kabilang ang Puerto Princesa Underground River sa pinakamaraming boto kasama ang Amazon rainforest Halong Bay ng Vietnam, Iguazu Falls ng Argentina, Jeju Island ng South Korea, Komodo Island ng Indonesia at Table Mountain ng South Africa.

Ayon sa Swiss Foundation na New7Wonders, sa unang bahagi pa ng susunod na taon iaanunsyo ang pinal na resulta ng botohan at posibleng may mabago pa sa mga provisional winners at final list.

Nagpasalamat naman si Bernard Weber, ang Founder-President  ng New7Wonders sa lahat ng nakiisa at nag-promote ng New7Wonders of Nature campaign sa nakalipas na apat na taon kung saan mula sa mahigit 440 magagandang lugar sa 220 bansa sa mundo ay napili ang 28 final candidates na siya namang pinagpilian ng New7Wonders of Nature. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply