Pulis inatake habang nagmamaneho ng motor

BIGLA na lamang bumagsak sa minamanehong motorsiklo ang isang 50-anyos na miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos umanong atakehin kaninang madaling araw sa Ermita, Maynila.

Idineklarang dead on arrival si PO3 Romeo Mendoza, Sr. sa Ospital ng Maynila. Si Mendoza ay nakatalaga sa Police Security and Protection sa Camp Crame, Quezon City.

Base sa ulat na ipinarating ni  Det. Virgo Villareal kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo , hepe ng  Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang naganap ang insidente, malapit sa Finance building sa Maria Orosa st. sa Ermita.

Bago ang nasabing insidente,  binabagtas ng biktima ang nasabing lugar sakay ng kanyang motorsiklo nang saglit na napahinto at bumagsak.  Isang Romualdo Reyes ang nakakita sa biktima at ipinagbigay alam ito sa isang nagpapatrolyang pulis na siyang nagdala sa nasabing pagamutan. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply