Pulis Maynila, kagawad inireklamo ng panggugulpi

PERSONAL na inireklamo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang isang pulis Maynila at isang barangay kagawad ng physical injury makaraang pagtulungang bugbugin ang isang 18-anyos na  vendor sa Malate Maynila, kaninang umaga.

Nagka-pasa-pasa sa mukha at putok ang bibig ng biktimang si Jenson Cabrillos,taga-597 San Andres St. Malate, Maynila ng magreklamo kay SPO1 John Cayetano, ng MPD-GAS.

Ayon kay Cabrillos, dakong alas-5:00 kaninang madaling araw nang maganap ang panggugulpi sa kanya ng mga inirereklamo.

Aniya, umihi siya sa gilid ng bahay ng barangay kagawad na si Juanito Baldia kaya nagalit ang asawa ng opisyal na si Lanie sa kanya na nauwi sa pagsasagutan nila.

Nang marinig at makita ni Baldia na nakikipagsagutan ang misis kay Cabrillos, ay kaagad nitong binirahan ng suntok si Cabrillos.

Eksakto namang dumating si PO1 Edgar Abonoja, na kaagad namang sinakal sa leeg si Cabrillos at saka tinutukan ng baril.

Masuwerte namang hindi pumutok ang baril ni Abonoja ng kalabitin nito ang gatilyo.

Sinabi ni Cabrillos na humingi naman siya ng paumanhin kay Lanie, ng sila ay magkasagutan pero binalewala lang nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply