Pulis-Parañaque may ikakasang hakbang vs Ramona Bautista, et al

MAYROONG ikinakasang hakbang ang Parañaque City Police laban kay Ramona Bautista, isa sa isinasangkot sa pagpatay sa kapatid na si Ramgen Revilla na nakalabas na ng bansa.

Base kay Chief Inspector Forgen Torre, hepe ng Parañaque Police Intelligence Unit, ang kanilang hakbang ay maisusulong oras na mapagtibay ang kaso laban kay Ramona, kapatid niyang si Ramon Joseph at limang iba pa sa City Prosecutor’s Office.

Ani Torre, patuloy na nakikipag-ugnayan ang Parañaque City Police sa iba pang law enforcement agencies upang tuluyan nang matuldukan na ang kaso at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Ramgen at ikinadamay ng kasintahan nitong si Janelle Manahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply