Pulis utas sa riding in tandem

DEAD on the spot ang isang pulis makaraang tambangan ng riding in tandem kaninang umaga sa Bacolod City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si PO3 Rolando Malate na pinagbabaril dakong 7:00 ng umaga at timaan ng bala sa ulo na agad nitong ikinamatay.

Batay sa ulat, ang biktima ay binabaybay ang isang barangay malapit sa isang Chinese school nang harangin ng suspek na riding in tandem.

Nabigla na lamang ang biktima nang paulanan ito ng bala habang sakay ng kanyang kotse.

Kasalukyan pang iniimbestigahan ng awtoridad ang motibo ng pamamaril at patuloy ang ginagawng manhunt operation ng mga pulis para madakip ang mga salarin. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply