Pulisss…pulisss…Nasaan na kayooo???

KUNG meron mang mga istasyon ng pulisya  na wala kang maabutang pulis, ito ‘yung PCP 2 Cogeo riyan po sa Antipolo, Rizal.

Nakaiinis isipin na sa dami ng mga krimen na nagaganap sa  mga panahon ngayon ay nagagawa pa na maglakwatsa ng mga pulis sa nasabing detachment sa oras ng kanilang duty.

Bagama’t hindi kapani-paniwala pero totoong nangyayari, ito na mismong mga kapatid natin sa hanapbuhay ang nagsasabi.

Halos dalawang beses nga na nagpabalik-balik ang ating kasamahang photog sa istasyon pero sa kabila ng mahabang oras ng kanyang paghihintay ay ni isang anino ng mga pulis ay wala.

Eto ang isang kagulat-gulat na dapat  na imbestigahan ng PNP Camp Crame.

Noong unang magpunta sa detachment ang kasamahan nating photog, ni isang tamad na pulis ay wala siyang nakita at tanging ang trustee na isa ring preso ang nagbabantay sa PCP 2 Cogeo  Detachment  at sa mga kapwa preso nito.

Nakupo! Ano ba ‘yan, Antipolo chief of police Supt. Rodino Elpa?

Ang isa pa sa nakaiinis dito, nang bumalik ang ating kasamahan kinaumagahan, inabot siya ng 2:00 pm sa paghihintay pero wala pa rin siyang nakitang kahit isang ‘tamad’ na pulis, hehehehe.

Naku po “Diyos”ko. ‘Wag sanang malaman ng mga masasamang loob na palaging walang pulis na nagbabantay sa PCP 2 Cogeo Detachment.

Pag nagkataon, baka samantalahin ng mga masasamang loob ang nasabing detachment at pakawalan ang mga nakakulong na preso sa kulungan.

Paging PNP chief Gen. Nicanor Bartolome, subukan ninyong minsan na “magsurprise inspection” sa lahat ng mga himpilan ng pulisya.

Unahin na ninyong puntahan ang PCP 2 Cogeo Detachment bago kayo maunahan ng mga masasamang loob sa lugar na ‘yan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply