Pumatay sa ama ni Charice pinasusuko

PINASUSUKO na ng pamilya Pempenco sa suspek na si Angel Capili na sumuko na at panagutan ang krimeng nagawa.

Si Capili ang pangunahing suspek sa pamamaslang sa ama ng Pinay international singing sensation na si Charice na si Ricky Pempengco.

Sinabi ng ina ng suspek na si Maria Capili na umamin sa kanya ang anak na si Angel na meron itong napatay bago nagmamadaling umalis ng bahay.

Aminado rin ito na nagiging siga ang ugali ng anak kapag nakakainom ng alak.

Nabatid na may record na ito sa barangay at ilan sa mga blotter nito ay may kinalaman din sa pananaksak.

Natunton na rin ng pulisya ang tirahan ng suspek sa General Trias Cavite pero hindi natunton ng mga awtoridad.

Nakausap na rin ng mga pulis ang asawa ni Angel pero tumanggi umano itong makipagtulungan sa kanila.

Namatay noon din ang biktiman makaraang saksakin ng ice pick ng suspek nitong nakaraang Oktubre 31 sa Barangay Laram, San Pedro, Laguna. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply