Pumatay sa ama ni Charice susuko na

NAKAKASANG sumuko anomang oras ngayong araw sa awtoridad si Angelo Capili, Jr., ang pumatay kay Ricky Pempengco, tatay ni international singing sensation Charice sa kondisyong hindi siya sasaktan.

Pinatay si Pempengco, 42-anyos noong Lunes ng gabi (Oktubre 31) sa San Pedro, Laguna ng suspek na si Capili dahil sa awayan sa pagkalalaki.

Sinabi ni Laguna police director Senior Supt. Gilbert Cruz, na nagpadala na ng surrender feelers si Capili kaninang madaling araw sa kondisyong hindi siya sasaktan partikular na ng mga miyembro ng pamilya Pempengco.

Gayunman, sinabi ni San Pedro police chief Superintendent Kirby Kraft, na wala pang kasigurahan kung kailan at anong oras susuko si Capili.

“Mukhang balot ng pangamba ang suspek (Capili Jr) dahil sinisiguro nito ang kanyang kaligtasan bago isuko ang sarili,” ayon pa kay Kraft.

Bukod pa aniya rito, naramdaman na rin marahil ni Capili na lumiliit na ang kanyang mundo kaya mas pinili na lang na sumuko kaysa mapatay.

Sa dating P100,000, dinoble na rin ng awtoridad ang pabuya at ginawang P200,000 sa sinomang makapagbibigay ng impormasyon para mahuli si Capili, Jr. buhay man o patay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply