Pumatay sa chief of police patay na rin

HINDI na nakayanan pa ni PO1 Lord Anthony Lerin ang sugat sa katawan na tama ng bala at namatay ito sa Plaza Memorial Hospital sa Patin-ay, Agusan del Sur.

Nagkabarilan kahapon (Nobyembre 14) sa loob mismo ng Bayabas Municipal Police Station si Police Insp. Edgardo Dico na hepe roon at ang tauhan nitong si Lerin.

Parehong dinala sa Adela Serra TY Memorial Medical Center sa Tandag City  ang dalawa pero idineklarang dead on arrival si Dico habang si Lerin ay inilipat sa DO Plaza Memorial Hospital sa Agusan del Sur kagabi pero magkalipas ng ilang oras namatay rin ito.

Ito ang inihayag ngayon lang ni Surigao del Sur Provincial Police Director Police Senior Supt. Julito Diray

Ang bangkay ng dalawa ang parehong nasa punerarya sa ngayon. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply