Pumatay sa tatay ni Charice hinahanap pa rin

ITINAAS na sa halagang P200,000 ang reward money para sa makakapagturo sa kinaroroonan ng suspek sa pagpatay sa tatay ng international singing sensation na si Charice Pempengco.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin matunton ng pulisya ang suspek na si Angel Capili kaya naglunsad  ang Laguna PNP ng task Force Pempengco na siyang maghahap sa mga lugar kung saan posibleng nagtatago ang suspek.

Ayon kay San Pedro, Laguna Police chief, Supt. Kirby John Kraft, pinuntahan na rin ng kanilang grupo  ang Bondoc Peninsul  sa Quezon Province para hanapin doon ang suspek ngunit nabigo silang makita ito sa lugar.

Gayunman, ang kapatid nitong si Armando ang naabutan ng mga awtoridad .

Inaresto naman si Armando dahil na rin sa nakabinbin nitong warrant of arrest sa kasong pagpatay sa Mabitac, Laguna.

Sinubukan na ring suyurin ng Task Force Pempengco ang bayan ng Cavite at Laguna na posibleng pinagtataguan ng suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply