Pumatay sa tatay ni Charice sumuko na

HAWAK na ngayon ng Cavite police si Angel Capili, Jr., ang suspek sa pagpatay sa tatay ni international singing sensation Charice Pempengco na si Ricky Pempengco.

Ayon sa pulisya, si Capili ay sumuko kay barangay captain Rolando Pagkalonggal sa isang lugar sa General Trias, Cavite ngayong hapon. Idinulog naman ng kapitan si Capili kay Gen. Trias Mayor Luis A. Ferrer na siyang nakipag-ugnayan naman sa pulisya.

Si Capili ay kasalukuyang ibinabiyahe na patungong Camp Crame sa Quezon City kung saan sasalubungin ni Regional Director PCSupt. Gil C. Meneses upang ipresinta kay Charice.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply