Punong guro nilikida sa Sorsogon

ISANG punong guro ang walang awang pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan sa bayan ng Castilla sa lalawigan ng Sorsogon, ayon sa ulat ng pulisya ngayon.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pamamaslang bandang alas-4:00 ng hapon.

Sa ulat na isinumite ng Castilla PNP, kinilala ang biktima na si Ariel Nebreja, residente ng Pampang, Sorsogon City.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na sakay ng tricycle ang principal ng may bigla na lamang lumapit at agad itong pinagbabaril.

Hindi pa rin matukoy kung ano ang motibo sa naturang krimen gayundin ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply