Puntod nina Cory at Ninoy dinagsa ng tao

DINAGSA ng mga tagasuporta ang puntod ng mag-asawang sina dating pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

Ayon sa report, halos lahat ng dumalaw sa kanilang mga kaanak na nakalibing sa MMPP ay sumilip rin sa puntod ng mag-asawang Aquino at nag-alay ng bulaklak, kaya napaligiran ng mga dilaw na bulaklak ang puntod ng dalawa.

Hindi naman ipinagkait ng mga Aquino ang puntod ng dalawang kinikilalang bayani, at ibinukas pa ito sa lahat ng gusting mag-alay ng bulaklak at panalangin.

Una rito, noong Oktubre 31 pa dinalaw ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at ng kanyang mga kapatid ang puntod ng mga magulang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply