Purisima isa-subpoena pag inisnab ang hearing sa Kamara

PAHAHARAPIN bukas (November 29) ng House committee on ways and means si Finance Secretary Cesar Purisima upang magpaliwanag kaugnay sa kontrobersyal na isyu ng Revenue Memorandum Circular 40-2011.

Ang nabanggit na circular ay inisyu ng Bureau of Internal Revenue (BIR) noong Setyembre 5, 2011 kung saan inaatasan ang mga taxpayer na magsumite o magbigay ng karagdagang impormasyon ukol sa kanilang kinikita.

Binigyang diin ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na ang circular na ito na inilabas ni BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares ay unconstitutional, lumalabag sa Bank Secrecy Law at kontra sa order na ipinalabas ni Purisima noong Marso na nagsusupinde sa implementasyon ng annual information regulation (AIR).

Nagbanta si Rodriguez, na kung hindi sisipot si Purisima bukas sa nasabing pagdinig ay gagamitin nila ang Kanilang “subpoena powers.”

Aniya, dalawang beses na inisnab ni Purisima ang imbitasyon ng Kamara.

Nauna nang nagmatigas si Henares na hindi niya babawiin ang RMC 40-2011 sa kabila ng mga pagbatikos mula sa mga kongresista.

“The stand of Commissioner Henares is solid. There’s no way she will change her position. Let”s respect Commissioner Henares’ position, so we will just go to her supervising officer,” ayon kay Rodriguez.

Bukod kay Batangas Rep. Hermilando Mandanas, chairman ng komite ay tinutulan din nina Cebu Rep. Eduardo Gullas, Batangs Rep. Tomas Apacible at Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo ang RMC 40-2011 sa pagsasabing anumang kautusan o batas ukol sa pagbubuwis ay dapat na magmula sa Kongreso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply