Puspusang kampanya para sa RH Bill ikinasa

INILUNSAD ngayon ng iba’t ibang grupo na sumusuporta sa kontrobersyal na Reproductive Health Bill ang Occupy Congress for Reproductive Health Campaign upang puspusang isulong at ipanawagan sa mga kongresista na agad na ipasa ang naturang panukala.

Iginiit ni Gabriela Party-list Rep. Luz Ilagan na agarang pagbotohan ng mga mambabatas ang RH Bill bagama’t naunang inihayag ni House Majority Floorleader Neptali Gonzales na Malabo itong maipasa ngayong taon.

Tinukoy pa ni Ilagan na maiiwasan sana ang pagkasawi araw-araw ng may 11 ina dahil sa komplikasyon sa pagbubuntis kung maisisuguro lamang ang kalusugan ng inang nagbubuntis.

Kabilang sa mga kongresistang sumuporta sa paglulunsad na ito na umokupa sa main gate ng Batasan Complex ay sina ACT Party-list Rep. Antonio Tinio, Akbayan Reps. Walden Bello at Arlene Kaka Bag-ao, Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera-Dy at Pangasinan Rep. Carmen Cojuangco kasama ang mga miyembro ng non-government organization na nagmula sa business sector, academe at hanay ng kabataan.

Nangangahulugan lamang na ang araw na ito ay panimula lamang ng puspusang kampanya at pagkalampag ng mga RH supporter sa mga kongresista upang agad maipasa ang RH bill.

Kabibilangan ang kampanya ng araw-araw na noise barrage, cultural at solidarity nights gayundin ang mga simbolikong protesta.

Pinuna rin ng grupo ang kabagalan ng Kamara na mapagtibay ang RH Bill na inabot na ng sampung taon at lalo pang tumitindi ang pagkainip at pagkadismaya ng pro-RH groups.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply