PWDs makikipaghagaran sa Adventure Race

MAKIKIPAGHAGARAN ang mga atletang may kapansanan o Persons With Disability (PWDs) at mga walang kapansanang apisyonado ng pagtakbo, sa pagpapakawala ng Adventure Race o Hagarang Pangsapalaran sa SM Fairview, Lungsod Quezon, sa Disyembre 3.

May bansag na Access 2020 Race To Success, ito ay inorganisa ng Tahanang Walang Hagdanan, Inc. (TWHI), kasama ang mga ahensiya ng pamahalaang nasyonal at iba pang nasa pribadong sektor, na itinaon sa pagdiriwang ng International Day of PWDs ang pagsisimula ng hagarang ito.

Sa iba’t-ibang sektor ng lipunan ang panggagalingan ng sampung koponang lalahok, kung saan may anim na katao ang kasapi kada grupo, tatlo rito ay PWDs at ang natitira’y normal ang kalusugan.

Binanggit ni TWHI COO/EVP Joyce Garcia, na sa ngayon ay kasama na sa unang nagpadala ng intensiyong lumahok ang ABS-CBN Team, Adidas, CBM, Cambodia Trust, Physicians for Peace, Ricoh Philippines, Armed Forces of the Philippines, Canon, Philspada at iba pa.

“This event is TWHI advocacy project, in partnership with the State, NGOs to realize mainstreaming of PWD Health, society, accesible tourism and healthy environment,”ani Garcia.

Bago ito ganapin, magkakaroon ng side event na isang tatlong kilometrong takbuhang may bansag na Walk, Fun & Roll sa ganap na 6AM.

Ito ay para sa lahat ng mga mananakbo at mga wheelathoners na PWDs (4-wheelers/3-wheelers), na mauunang  magaganap, kung saan ang pagpapakawala ng mga kalahok ang siyang maglulunsad sa mas malaking Adventure Race sa Metropolis.

Matapos ang Walk, Fun & Roll, ang pagpapakawala naman ng Race To Success para sa naunang nabanggit na 10 koponang magtatagisan ng bilis ang susunod.

Para sa iba pang detalye upang makasali, makipag-ugnayan sa teleponong may bilang na 02-655-0055.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply