Pwersa ng NPA humina– AFP

“HUMINA ang pwersa ng New People’s Army.”

Ito ang naging pahayag ngayon ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines dahil na rin sa sunud-sunod na pagsuko at pagbabalik-loob ng mga kasapi ng Communist Party of the Philippine New Peoples Army sa pamahalaan.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Arnulfo Burgos, Jr., posibleng hindi na nakakakuha ng suporta sa mga ordinaryong sibilyan ang mga NPA kaya nagbabalik-loob ng lang sa pamahalaan.

Kasabay din aniya ng mahinang suporta sa mga ito ay ang pagpapaigting din sa Internal Peace and Security Plan Bayanihan ng Sandatahang Lakas, na layunin ay kapayapaan para sa mga rebelde.

Matatandaan, nitong nakalipas na araw ay sumuko ang nasa 80 miyembro ng NPA sa Bukidnon at tatlong high ranking member ang sumuko naman sa Abra.

Inaasahan naman ni Burgoz na tuluy-tuloy na ang pagsuko ng mga rebelde sa mga susunod na panahon.

Sa report, pinangunahan ng isang Benjamin “Ka Nonong” Salusad na nag-o-operate sa bayan ng Kibungkog, San Fernando, at sa ilang mga bayan sa Bukidnon ang sumuko kahapon (Nobyembre 16).

Ang naturang tagumpay ay pinagtutulungan ng mga Tribal Federation ng San Fernando, Bukidnon at ng ilang kooperatiba kung saan nakumbinsi nila si Kumander Nonong at mga kasamahan na bumalik sa panig ng gobyerno.

Sinisikap ngayon ng kasundaluhan na himukin ang iba pang mga rebelde na magbalik-loob na sa gobyerno.

Kaugnay nito, nakahanda ang pamahalaan na pagkalooban ng panimulang puhunan ang mga rebel returnees para sa panibagong buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply