QC gov’t maghihigpit sa PPV ng Pacquiao fight

MAG-IIKOT sa kabuuan ng lungsod sa Linggo ng umaga (Nobeymbre 13) ang inspection teams ng Quezon City government para silipin ang mga shopping malls at restaurants kung nagpapalabas o nagkakasa ng pay-per-view (PPV) showings ng laban nina Filipino boxing champ at Sarangani Rep. Emmanuel “Manny” Pacquiao at Mexican fighter Juan Manuel Marquez.

Ito ay para malaman kung mayroong kaukulang special permits para magpalabas ng bakbakan nina Pacquiao at Marquez ang mga ito.

Sinabi ng Quezon City officials na ipasasara nila agad ang mga establisimyentong nagpapalabas ng laban kapag napatuyang wala silang kaukulang permiso. Kailangan magbayad ang mga establisimyentong nagpapalabas ng laban ng amusement taxes sa lungsod.

Ayon sa ulat, may 18 commercial establishments sa lungsod ang kumuha ng special permits para sa paglalabas ng Pacquiao-Marquez bout.

Nitong nakaraang Biyernes lamang (Nobyembre 11), umapela ang Optical Media Board (OPM) pamumuno ni Ronnie Ricketts sa mga negosyante na huwag gagawa ng pirated copies ng naturang laban. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply