Ragelyn, hindi pa suspek sa Ramgen slay – PNP

HINDI pa kinokonsidera ng Parañaque police bilang suspek ang isa pang inginusong nakababatang kapatid ng pinaslang na si Ramgen Bautista Revilla sa kabila ng pagdadawit sa kanya ng dalawa pang suspek sa krimen.

Sa pahayag ni Parañaque police chief Sr. Supt. Billy Beltran, masusi pa ring pinag-aaralan ng task force Ramgen ang pagdadawit nina Glaiza Visda at kalive-in nitong si Norwin Dela Cruz kay Maria Ragelyn “Gail” Bautista.

Nauna rito’y natuklasan din sa nakuhang mga text message sa cellular phone ng napaslang na mula Oktubre 22 hanggang 27 na may hidwaan ang magkakapatid kaugnay sa allowance na kanilang tinatanggap mula sa kanilang amang si Ramon Revilla, Sr.

Sinabi ni Beltran na wala pa silang desisyon kung irerekomenda upang maging state witness sina Visda at Dela Cruz dahil kailangan munang pag-aralan ng tagausig kung kwalipikado ang dalawa bilang testigo.

Kaugnay nito, hinihintay na lamang ng pulisya ang paglalabas ng warrant of arrest ng husgado upang dakpin ang isa pang pangunahing suspek na si Ryan Montinola Pastera “alyas” Bryan na nagbigay ng P19,000 kay Michael Jay Nartea upang paslangin si Ramgen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply