Rain or Shine pinatila ng Petron Blaze

PINAYUNGAN ng Petron Blaze Boosters ang Rain or Shine Elasto Painters upang sungkitin ang 90-80 panalo ng una sa 2011-12 PBA Philippine Cup elims sa Big Dome, kagabi (Nobyembre 13).

Hindi pumatak ang puntos para sa RoS kaya naman nahulog sila sa second spot ng team standings na may 7-2 win-loss karta, kalahating larong lamang ng Talk ‘N Text Tropang Texters sa tuktok na may 6-1 baraha.

Winagayway ng Boosters ang kanilang ikatlong sunod na panalo upang ilista ang 6-3 record at solohin ang third spot.

Alagwa ng 27 puntos ang Boosters subalit sa huling 2:29 nalalabi sa fourth period ay walong puntos na lang ang kanilang inaalagaan.

“Medyo nag-relax sa start ng fourth quarter dahil malaki ang lamang namin,” sabi Petron coach Ato Agustin.

Humarabas si Arwind Santos ng 25 points, may 22 si rookie Chris Lutz habang nagtala si Alex Cabagnot ng 16 markers kabilang ang pamatay-sunog na triple sa run ng RoS, 11 assists, five rebounds at two steals para sa Petron.

Sa first game, dinispatsa ng B-Meg Llamados ang Alaska Aces, 92-89 matapos ang dalawang extra period.

Nanguna sa opensa ng Llamados si James Yap na tumikada ng 24 points sa 11-of-26 shooting habang may 22 si rookie Mark Barroca upang pupugin ang 5-4 panalo-talo karta ng kanilang koponan.

Samantala, tangkang pahabain ng Tropang Texters ang pighating nalalasap ng Shopinas.com Clickers kung saan ay maghaharap sila sa Miyerkules (Nobyembre 16) habang sa pangalawang sultada, susubukan ng Powerade Tigers ang lakas ng kuryente ng Meralco Bolts.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply