Ram Revilla ililibing nang may hustisya

BUMUHOS ang mga kaanak at kaibigan ng young actor na si Ram Revilla para sa huling gabi ng lamay niya ngayong gabi sa Angelus Eternal Garden sa Imus, Cavite.

Bukas na nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Ram na namatay matapos binaril at sinaksak sa kanyang bahay sa BF Homes Parañaque City.

Una nang ipinahayag ng mga celebrities tulad nina Melissa Ricks, Denise Laurel, RR Enriquez at singer Jay-R ang kanilang panghihinayang at pakikiramay sa sinapit ni Ram sa napakabatang edad na 22-anyos.

Marami naman ang naniniwalang nakuha na ni Ram ang hustisya bago pa man siya ilibing bukas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply