Ramgen case ‘wa epek’ sa pagtakbo ni Bong

NANINIWALA ang mga miyembro ng Lakas-Kampi CMD na hindi makaaapekto sa planong paktakbo ni Sen. Ramon “Bong” Revilla sa pagkapangulo sa 2016 , ang kaso ng pamamaslang sa kapatid nitong si Ramgen Revilla.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, opisyal ng partido, na imposibleng mahaluan ng intriga o makaapekto kay Revilla at sa nais nitong pagkandidato sa presidential post ang ngayon ay masalimuot na kaso ng pagkakapaslang sa kaniyang kapatid na ang suspek ay ang dalawa pa niyang kapatid na sina Ramon Joseph at Ramona Bautista.

Depensa pa ng mambabatas para kay Revilla na hindi gagamitin ng senador sa pang-personal na layunin para lamang mangibabaw ang ambisyon at makapangampanya sa pamamagitan ng pagkuha ng simpatya ng publiko.

Iba aniya ang personal na problema sa pulitika at masyado ng mabigat para sa pamilya kung hahaluan pa ito ng isyu.

Bukod dito, normal lamang ang mga reaksyon at naging pahayag ng senador dahil bilang tao masakit ang mawalan ng mahal sa buhay.

Payo pa ni Suarez, hayaan na lang muna ang pamilya Revilla sa kanilang problemang pampamilya at ipaubaya na lamang sa mga awtoridad ang imbestigasyon.

Naunang nanawagan si Senador Revilla sa pulisya na siyasatin ang biglang pag-alis ng kapatid na si Ramona at lahat ng mga taong posibleng tumulong sa pagtakas nito.

“Gagawin ko ang lahat bilang isang lingkod bayan upang manaig ang batas, makamit ang katarungan, kahit sino pa man ang matamaan,” ayon sa senador.

Aniya, posibleng may kinalaman nga si Ramona sa pagkakapaslang kay Ramgen dahil bigla itong tumalilis sa halip na harapin ang imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply