Ramgen Revilla tatlong beses tangkang patayin

LUMALABAS na tatlong beses tangkang patayin bago naging matagumpay ang pamamaslang kay Ramgen Revilla.

Ito ang lumabas sa imbestigasyon ng Parañaque Police ayon na rin sa naging pahayag ng nobya ng biktima na si Janelle Manahan.

Dinagdag pa ni Janelle na nang maganap ang aksidente ay napansin niyang hindi man lamang humingi ng tulong si Ramona o tumawag ng ambulansiya para sila ay matulungan.

Ayon sa pulisya, nitong Oktubre 12, 14 at 17 ay tangkang patayin ang aktor.

Samantala, kasama ang kanyang abogado na si Atty. Dennis Manzanal ay nagpa-interview si Gennilyn Magsaysay, na nanindigang hindi siya naniniwalang magagawa ng kanyang mga anak na patayin ang kanilang kapatid.

Inamin din ni Gennilyn na may tampo siya sa mga kapatid ni Ramgen sa kabilang pamilya pero hindi na niya pinalawig ang pahayag.

Sumabit ang dalawang kapatid ni Ramgen na sina Ramona at Ramon Joseph sa krimen nang inguso ng isa sa testigo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply