Ramon Revilla Sr. inilabas na ng pagamutan

INILABAS na sa St Luke’s Medical Center sa Taguig City si dating Senador Ramon Revilla, Sr matapos maratay ng ilang araw sanhi ng pagtaas ng lagnat at presyon ng dugo.

Inihayag ni Marilen Lagniton, tagapagsalita ng naturang pagamutan na ala-1 ng hapon kanina nang payagan ng mga doktor na mailabas na ng pagamutan ang dating sikat na action star bagama’t tumanggi naman siyang magbigay ng impormasyon kaugnay sa kalagayan ng pasyente.

Hahayaan na lamang aniya nila na ang pamilya ng dating senador ang magbigay ng medical bulletin o kalagayan ng kalusugan ng kanilang pasyente matapos  sunduin ng anak na si Princess Revilla.

Magugunita na isinugod ang matandang Revilla sa naturang pagamutan noong araw ng Undas makaraang lagnatin at tumaas ang presyon ng dugo na hinihinalang dulot ng pagdadalamhati nang malaman ang sinapit ng paboritong anak na si Ramgen.

Nauna nang inihayag ni Senator Bong Revilla na batid na ng kanilang ama na nasasangkot sa pagpatay ang magkapatid na Ramon Joseph at Ma. Ramona Belen na labis aniyang dinamdam nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply