Ramon Revilla Sr. isinugod sa ospital

ISINUGOD ngayon si dating Senador Ramon Revilla Sr. sa St. Luke’s Hospital dahil sa high blood pressure.

Ayon sa pahayag ng pamilya Revilla, dumaranas ngayon ang dating senador ng matinding stress at depresyon matapos na lumutang sa isinasagawang imbestigayon sa pagpatay sa anak na si Ramgen Revilla, na mastermind ang isa pang anak na si Ramon Joseph Revilla.

Lumabas rin na kasabwat sa krimen ang isa pang anak ng dating senador na si Ramona Revilla na ngayon ay tinutugis na ng pulisya.

Sa ngayon ay sumasailalimsi Revilla, Sr., sa ilang eksaminasyon.

Dahil sa pagkakasugod sa ospital ng dating senador ay hindi na ito makadadalo sa gagawing misa mamayang alas-otso ng gabi sa burol ni Ramgen, na nakatakdang ilibing bukas.

Kaugnay nito, kinasuhan ng kaninang alas-dos ng hapos ang pitong suspek sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply