Ramona Bautista nasa blue notice list na

NASA Blue Notice List na ng International Police Organization (INTERPOL) si Maria Ramona “Mara” Bautista, isa sa suspek sa pamamaslang sa kanyang kapatid na si Ramgen Revilla.

Ito’y matapos hilingin ng National Bureau of Investigation (NBI) sa INTERPOL sa Ankara, Turkey at sa pamamagitan ng Philippine Center for Transnational Crime, na magsaliksik ng impormasyon tungkol kay Ramona, na tumakas sa bansa noong Biyernes ng gabi.

Bukod dito, humingi rin ng kumpirmasyon ang NBI sa pagdating ni Ramona sa Turkey noong Biyernes maging ang kanyang immigration status.

Sa pamamagitan ng Blue Notice ay magkakaroon ng karapatan ang INTERPOL na ma-monitor ang mga galaw ng isang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply