Ramona magtatago sa asawa sa Turkey

HINIHINALA na tutuloy sa bansang Turkey si Ramona Bautista matapos magtungo ng Hong Kong kagabi (Biyernes, Nobyembre 4).

Ayon kay Aldy Pagulayan, tagapagsalita ni Sen. Ramon “Bong” Revilla, si Ramona alias Mara ay hindi dalaga bagkus ay may-asawa at kasal sa lalaki na naninirahan sa Turkey.

Maliban sa impormasyong ito, wala ng iba pang ibinigay na pahayag si Pagulayan hinggil sa personalidad ni Ramona, isa sa pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Ramgen Revilla.

“That would be for the PNP to investigate and for us to find out as well. Pero I cannot give a categorical statement regarding that, kung nasa Turkey na siya ngayon. The information that we have right now is the same as what the media has. We are conducting our own parallel investigation kasabay ng pag-iimbestiga ng kapulisan natin,” ayon kay Pagulayan.

Kagabi namataan si Ramona sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na nakasuot ng pulang bandana at ikinukubli ang mukha sa publiko.

Namataan na inihatid siya ng isang grupo ng kalalakihan dakong alas-6:20 ng gabi.

Si Ramona ay sakay ng Boeing 747 eroplano ng Cathay Pacific sa gate 7 ng NAIA Terminal I at kaagad na dumiretso sa check-in counter.

Dakong alas-7:55 ng gabi nakatakda ang kanyang flight CX 902 subalit bahagyang na-delay ang kanyang pag-alis dahil dumating ang eroplano bandang 7:25 ng gabi sa runway 06-24.

Gumamit si Ramona ng Philippine passport na may numerong 1106480 na nakasaad ang kanyang kaarawan na Disyembre 20, 1988.

Nakaupo siya sa economy section nang umalis ang eroplano na may tatlong hand carried bags.

Tinangka siyang kapanayamin ng media sa gate 7 ng NAIA terminal I habang kasama ang iba pang naghihintay na mga pasahero subalit tumanggi siyang magbigay ng anumang pahayag at sa halip nagtakip siya ng pulang bandana upang hindi makilala ng iba pa.

Walang impormasyon kung kailan babalik si Ramona sa Pilipinas. Hindi rin batid kung magbabalik nga siya sa kabila ng kanyang pagkakasangkot sa pagkamatay ng kapatid.

Nasa website ng Hong Kong airport na may byahe mula Hong Kong patungong Istanbul dakong alas-11:15 Biyernes ng gabi kaya’t hinihinalang sa Turkey ang diretso ni Ramona.

Ilang oras matapos ang pagtakas ni Ramona, nagbigay siya ng kauna-unahan niyang pahayag sa media habang siya ay nasa kanilang bahay sa BF Homes, Parañaque City.

Batay sa imbestigasyon ng Paranaque City Police, si Ramona at ang kanyang kapatid na si Ramon Joseph ang nasa likod ng pagpatay sa panganay nilang kapatid na si Ramgen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply