Random drug testing ikinasa sa bus drivers

IKINASA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang paglulunsad ng surprise random drug test sa mga drayber na nagmamaneho sa kompanya ng mga inter-provincial bus na bumibiyahe sa Zamboanga City at kalapit na lalawigan.

Ayon kay PDEA Regional Director Adzhar Albani, ang sorpresang drug test ay kaugnay sa pinalakas na kampanya ng ahensya laban sa mga drayber na gumagamit ng ipinagbabawal na droga sa rehiyon.

Sinabi ni Albani, ang drug testing sa mga driver ng Rural Transit Management Inc. (RTMI) ay isinagawa sa dalawang lugar, isa na ang Dipolog City, ang kapitolyo ng Zamboanga del Norte..

Ginawa naman ang drug testing sa mga drayber ng RTMI na bumibiyahe sa Zamboanga City patungong lalawigan ng Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at sa Cagayan de Oro City.

Napag-alam ng PDEA na tatlong drayber ng RTMI management ay pinatalsik sa trabaho makaraang matuklasan na nasasangkot ang mga ito sa pagbibiyahe ng droga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply