Randy positibong magkakabati-bati rin sila ni Willie sa tamang panahon

UMIIWAS na magsalita si Randy Santiago tungkol sa totoong pinagdaraanan sa ngayon ng younger brother niyang si Raymart at asawa nitong si Claudine Barretto. Kahit nagku-confide sa kanya ng problema ang kanyang younger brod, ayaw umano niyang magsalita about it. Respeto na lang daw sa kanyang kapatid.

Kabaligtaran ng situwasyon nina Raymart at Claudine, nananatiling masaya at tahimik naman ang pagsasama nina Randy at ng kanyang asawa.

Ano nga ba ang sikreto at napapanatili niyang matibay ang bigkis ng kanyang pamilya?

“Ang sikreto ay ‘yong… nakasama sa buhay ko… si Marilou (Coronel, his wife),” ani Randy nang makausap namin sa “Happy Yipee Yehey” kamakailan. “So sa mga pinagdaanan namin… imagine ilang years na kaming magkasama… 23 years na. May mga naririnig siya pero hindi niya pinaniniwalaan.”

Hindi siya naging babaero o unfaithful sa buong panahon ng pagsasama nila?

“Hindi talaga dahil iniiwasan ko rin, e.

“Sa industriya natin, kita mo naman, sa araw-araw na nakikita natin dito, di ba? Ang dami-raming mga… kumbaga kung may tukso, meron, di ba? Pero never pumasok sa ‘yo. Dahil… trabaho lang talaga.”

Bukod sa pagiging mabuting asawa, sinikap din umano ni Randy na maging isang mabuting ama rin sa tatlong anak nila ni Malou.

“Malalaki na sila! Bente uno na ang panganay ko. Disi-nuwebe ‘yong pangalawa. Ten years old ‘yong bunso.”

Gaya ni John Estrada, hindi pa rin sila nagkakaayos ng matalik na kaibigan nilang si Willie Revillame simula nang suamama ang loob nito sa kanilang dalawa. Ilang buwan na rin ang dumaan at marami ang nakaantabay kung kailan kaya sila magkakabati-bating muli.

“Ako naniniwala na isang araw, talagang magbabati-bati kami dahil wala naman kaming pinag-awayang… hindi malalim para sa amin iyon.

“Ito ay isang tampuhan lang na… siyempre, alam naman natin na hindi maganda ang relasyon nila (side ni Willie) sa Channel 2. Kaya… di ba?

“Puwede kaming magkita-kita kung talagang paplanuhin namin (nina John at Willie) para magkita-kita.

“Pero… hindi pa panahon. Wala pa lang… hindi pa nangyayari, e.

“Kunyari, gusto kong pumunta sa bahay niya. Bakit hindi? Hindi naman ako ipagtatabuyan no’n, di ba?

“Hindi naman ganon ang pagkatao ni Willie.

“Bale hindi lang nagkakaroon ng pagkakataong magkita kami. Pero sooner or later it will happen. Na talaga namang… wala lang, itatawa lang namin.

“Hindi naman kami magsusumbatan. Kami e… isang matinding yakap, ayos na ‘yon.”

Balitang nadagdagan ang mga sponsors ng HYY at nataon pa ito sa panahong nawala na si Mariel.

“Hindi naman totoong sa pagkawala ni Mariel, nadagdagan ang sponsors namin. Hindi! Ha-ha-ha-ha-ha! Talagang ano… alam mo naman na kapag November at December, nagpapasukan ang mga commercials dahil siyempre… Christmas season. Advertsiements iyon.Di ba?’

E ‘yong tsimis din na namimiligrong masibak na sa ere ang HYY dahil hindi pa rin makaungos sa Eat Bulaga?

“Hindi mangyayari iyon dahil naniniwala kami sa grupo. Hindi naman basta-basta tatanggalin ‘yong grupo (nila sa HYY) na ganitong klase katibay.

“Kumbaga, kaya nga kami kinuha dahil ‘yong tiwala ng estasyon nasa amin. Na… steady lang kayo, pagandahin n’yo… ang mahalaga lang diyan masaya ‘yong taong nanonood sa inyo, di ba?

“Ang mahalaga ay masaya ‘yong mga taong nanonood,” sabi pa ni Randy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply