Rañola sumungkit ulit ng ginto sa SEAG

SINARGO nina Pinay cue artists Iris Rañola at Rubilen Amit ang gold at silver medal ayon sa pagkakasunod matapos nilang kalampagin ang katunggali nila sa semifinals ng 26th Southeast Asian Games women’s 9-ball competition sa Jakabaring Billiard Arena sa Jakarta, Indonesia kahapon (Nobyembre 18).

Pinatalsik ni Rañola si Huynh Thi Ngoc Huy ng Vietnam, 7-3, habang pinauwi ni former Women’s World Ten-ball queen Amit si Hoe Shu Wah ng Singapore, 7-4, upang maayos ang all-Pinay Finals.

Sa finals, tinalo ni Ranola si Amit, 7-2 para makuha ng Pilipinas ang gold at silver sa nasabing event.

“Masaya pa rin ako kasi pareho kaming Pinay na naglaban sa Finals kaya sabi ko kahit sino sa amin manalo ay tiyak magiging masaya ang mga kababayan natin na nanonood dito sa Jakarta lalo sa na Pilipinas.” masayang pahayag ni Amit sa text.

Sa kasalukuyan ay nakapagtumbok na ng tatlong gold medals, dalawang silver medals at isang bronze medal ang billiards team.

Dalawang ginto ang sinargo ni Rañola (women’s single 8-ball at 9-ball) habang isa kay Orcollo sa men’s single 8-ball.

Tig-isang silver na ang nasusungkit nina Amit, (women’s single 9-ball) at Francis Dela Cruz sa carom 1 cushion single male habang bronze ang kay cue artist legend at former double world champion Efren “The Magician” Reyes sa carom 1 cushion single male. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply